Binabati ng CIA ang Mga Internasyonal na Mag-aaral
Ang Inyong Pandaigdigang Destinasyon para sa Karera sa Pagkain
Sa loob ng 75 taon, inilagak ng Culinary Institute of America ang enerhiya, sigasig, at kaalamang pang-industriya nito sa pagbibigay ng pinakamahusay na edukasyong nakatuon sa pagkain at hospitalidad. Dito, pagkain ang buhay, at ang lahat ay 100% nakatuon sa paghahanda sa mga mag-aaral sa matagumpay na buhay na umiikot sa pagkain. Sa CIA lang makakaranas ang mga mag-aaral ng direktang pagkatuto at mga koneksiyon sa industriya na kailangan nila para mamuno sa kusina, pagpapatakbo ng hotel, o saan pa man nila gustong pumunta sa larangan ng pagkain o hospitalidad.
Nag-aalok ang CIA ng master’s, bachelor’s, at associate degree program na sumasaklaw sa lahat ng larangan ng mundo ng pagkain—mula sa culinary arts at baking and pastry arts hanggang sa hospitalidad, negosyo sa pagkain at wine and beverage management. Ang mga prestihiyosong programa ng pag-aaral ng CIA ay accredited ng Middle States Commission on Higher Education na nag-a-accredit din ng mga kurso para sa iba pang nangungunang kolehiyo at unibersidad sa U.S., kabilang ang Columbia, Cornell, at Vassar. Ang markang ito ng husay ay patotoo sa kalidad, mga napatunayang resulta, at pagtatagumpay sa mga programa ng CIA.
Narito ang isang patikim ng mga bagay na sa CIA lang nahahanap ng mga mag-aaral:
- Bumuo ng hands-on na pundasyon sa 1,300+ oras sa mga pinakamakabagong kusina at bakeshop
- Makakuha ng karanasan sa tunay na mundo sa mga premyadong serbisyo-publikong restawran ng CIA na pinapatakbo ng siyam na mag-aaral
- Makakuha ng world-class at may bayad na internship sa isa sa 2,000+ organisasyong aprubado ng CIA
- Maranasan ang buhay-kolehiyo sa kusina—sumali sa magkakaibang komunidad ng mga mag-aaral at guro mula sa buong mundo, na nagkakaisa sa hilig sa pagkain
Kalidad ng Pagtuturo
Kasama sa mga guro ng CIA ang mga kilalang master chef, nangungunang ehekutibo sa industriya ng pagkain, restaurateur na sikat sa buong mundo, published na may-akda, master sommelier, at higit pa. Mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang faculty ng CIA at nakapagtrabaho at nanalo na sila ng mga award sa bawat larangan ng pagkain at mataas na edukasyon.
Pinapanatili ng CIA na maliit ang mga klase para mabigyan ang mga mag-aaral ng oportunidad na makuha ang indibidwal na pansing kailangan nila at makaugnay sa kanilang mga world-class na guro at kapwa mag-aaral. Ang mga mag-aaral na kumukuha ng degree ay gumugugol ng mahigit 1,300 oras sa mga kusina at bakeshop ng CIA nang natututo ng mga technique at pineperpekto ang kanilang mga kasanayan sa mga hands-on na session. May oportunidad din ang mga mag-aaral na ibagay ang kanilang pag-aaral sa kanilang mga indibidwal na interes at pangarap sa karera. Nabibigyang-buhay at nagkakaroon ng bagong kahulugan ang mga tradisyonal na asignatura gaya ng agham, kasaysayan, at sikolohiya sa CIA kapag pinag-aaralan sa konteksto ng pagkain.
Itanong sa mga mag-aaral kung ano ang pinakagusto nila sa CIA. Isa sa mga paulit-ulit na sagot ay “ang mga chef at propesor,” na sinasabi nilang “nagbibigay ng inspirasyon” at “nakakamangha”—at napakalinaw na minamahal ang ginagawa nila.
Mga Kinakailangan para Makapasok
Layunin ng CIA na gawing madali at mabilis sa abot ng makakaya ang proseso ng admission. Narito ang mga kinakailangan ng mga internasyonal na mag-aaral para makapasok:
Sinagutang application form:
Dapat isumite ang mga aplikasyon kasama ang lahat ng hinihiling na dokumento, kasama ang mga transcript ng paaralan, sanggunian, personal na pahayag, at resume, kung kinakailangan. Ang lahat ng ibibigay na dokumentasyon ay dapat nasa wikang English (o may kasamang nakanotaryong English na pagsasalin ng bawat isa).
Patunay ng kakayahan sa wikang English:
Dahil sa wikang English isasagawa ang pagtuturo, dapat matugunan ng mga hindi native na tagapagsalita ang mga kinakailangan ng CIA sa wika para makapasok. Magagawa ito sa pamamagitan ng language test o pag-aaral sa inaprubahang paaralan ng wika.
Pahayag ng Pinansyal na Suporta:
Kinakailangan ang isang liham ng pinansyal na suporta mula sa isang sponsor ng mag-aaral na isinasaad ang layuning sagutin ang lahat ng gastusin sa tuition at pang-araw-araw na buhay sa CIA. Dapat isumite ng mga mag-aaral ang form na ito kahit na sila mismo ang tumutustos sa sarili nila.
Patunay ng Pondo:
Kinakailangan ng CIA ang patunay ng isang taon ng tuition at mga bayarin na katumbas ng USD $50,000. Ang patunay ng pondo ay maaaring savings account statement, certificate of deposit o money market account na nagpapakita ng patunay ng pondo mula sa sponsor o liham ng bangko na pinatutunayang may nakalaang pondo para sa edukasyon ng mga mag-aaral.
Student Visa:
Dapat may mga visa ang mga internasyonal na mag-aaral para makapag-aral sa United States.
Suporta sa Estudyante
Nasa kaibuturan ng lahat ng bagay sa CIA ang tagumpay at kapakanan ng mag-aaral. Bilang pagsasaalang-alang sa hamon ng pagsisimula ng kolehiyo nang malayo sa tahanan, gumawa ang CIA ng programang sumusuporta sa mga mag-aaral mula sa pinakauna hanggang sa pinakahuli nilang araw sa campus—ang CIA Cares. Ang CIA Cares ay pangkalahatang tool sa pakikipag-ugnayan kung saan ang mga guro, tagapayo sa karera at akademiko at iba pang miyembro ng network ng suporta ay direktang makakatulungan ng mga mag-aaral para matiyak na matatanggap nila ang pinakamainam na gabay at suporta sa buong pamamalagi nila sa CIA. Palaging may handang sumagot ng anumang tanong ng mga mag-aaral at tumulong sa kanila na gumabay sa mahahalagang desisyon. Ganito sa CIA.
Sa CIA Cares, magagawa ng mag-aaral na:
- Madaling makipag-ugnayan sa sinumang miyembro ng team ng network ng suporta para magtanong o mag-iskedyul ng appointment
- Mag-access ng impormasyon tungkol sa mga serbisyo sa mag-aaral, gaya ng pagpapayo sa karera at akademiko, serbisyo sa pagkain, counseling, tulong pinansyal, pagpaparehistro, at higit pa
- Mag-iskedyul ng tutoring appointment kasama ang isang propesyonal o peer tutor na mahusay sa kurso kung saan nila kailangan ng tulong
- Tingnan ang mga grado at tala ng attendance
- Sumagot at umaksiyon sa mga referral na nakakatulong sa kanilang maabot ang mga layunin nila
- Makatanggap ng pagkilala ng guro para sa mahusay na performance, napagtagumpayan, pamumuno, o pag-usad patungo sa layunin
Kaligtasan ng Mag-aaral
Posibleng maging malaking pagbabago ang kolehiyo, ngunit ang pagiging mag-aaral ng CIA ay masaya at nakakapanabik na karanasan. Iniaalok ng CIA sa mga mag-aaral ang isang magandang lugar para mabuhay at matuto salamat sa mga nakatalaga nitong team ng suporta, kasama ang Kaligtasan sa Campus ng CIA, at komite sa pagtanggap sa campus.
Sa CIA, 24 na oras na nasa campus ang mga pangkaligtasang opisyal, at araw-araw silang makikita ng mga mag-aaral na nag-uugnayan sa campus at nagbabantay sa campus grounds. Ang CIA ay protektado rin ng pagsubaybay ng CCTV (closed-circuit television), electronic card access sa mga residence hall, at pinaghihigpitang pagpasok sa campus sa gabi. Magagamit ng mga mag-aaral ang isa sa maraming blue-light emergency phone sa campus para mag-ulat ng problema o humiling ng mapagkakatiwalaang kasama mula sa Kaligtasan sa Campus para maihatid sila sa kanilang residence hall.
Mga Kahihinatnan ng Pagtatapos
Sa mundo ng pagkain at hospitalidad, ang kolehiyong kilala at nirerespeto ng mga nangunguna sa industriya ay ang CIA. Bentahe ito sa karera na habambuhay na dala ng mga nagtapos sa CIA. Talagang kaakit-akit ang degree mula sa CIA at maraming nangungunang employer sa industirya ang naghahanap ng mga nagtapos sa CIA bago ang sino pa man—sila ang pinakamainam sa lahat.
Kasama sa mga nagtapos sa CIA ang mga master chef at baker, may-ari at negosyante ng restawran, pinuno ng hotel at hospitalidad at senior executive para sa mga nangungunang korporasyon ng pagkain. Hatid nila ang malaking pagbabago sa bawat larangan ng pagkain at hospitalidad sa bawat sulok ng mundo—gayon din ang mga magtatapos pa sa CIA sa hinaharap.
Talagang ipinagmamalaki ng alumni ng CIA ang edukasyon nila, kaya talagang inirerekomenda nila ang alma mater nila sa napakaraming bagong mag-aaral at kaya napakaraming nagtapos sa CIA ang nakakakuha sa kanila ng trabaho. Kapag may mag-aaral na nagtapos sa CIA, aanib siya sa pinakamakapangyarihang network ng alumni sa mundo ng pagkain na may 50,000+ tao na nangunguna sa industriya at naghahatid ng pagbabago. Nangangahulugan itong may libo-libo na siyang nangungunang propesyonal na koneksiyon sa araw mismo na magtapos siya.
Chat with a Student
Are you curious about what it’s really like to attend CIA? We’ve got you covered. Our students are ready to answer the questions you haven’t asked anyone else, share their own personal experiences, and give you genuine advice—because they’ve gone through it, too.
Also in this section
Events, Visits, and Resources
There’s no better way to see what CIA has to offer international students than to visit one of our campuses—and we’re now bringing the CIA experience to the comfort of your home.
Why Study at CIA?
When it comes to learning about food and hospitality, we can say with complete confidence that the Culinary Institute of America is truly the best place to begin your future.
Student Life
At CIA, you’ll find all the ingredients you need to create a college experience that’s uniquely yours—guided by your passions, your interests, and your imagination.
Meet the Admissions Team
The CIA Admissions Team is excited to work with you during this important time of your life.
How to Apply
Take hold of your future. If food is your passion, get the best hands-on education here at CIA—whether your aspiration is to be a chef, entrepreneur, hospitality leader, or food innovator.
Contact Us
Assists students from East Asia Pacific and the Western Hemisphere.
Assists students from Middle East North Africa, Sub-Saharan Africa, South-Central Asia, and Europe-Eurasia.
Contact Amanda if you are an agent or international recruitment vendor, or if you would like to schedule a promotional presentation.